Lindol sa Surigao

Pagputok pa lang ng balita kamakalawa ng gabi hinggil sa malakas na lindol na yumanig sa Surigao City sa lalawigan ng Surigao del Norte sa Mindanao, agad nag-trend sa social media ang hashtag #Surigao­City, #SurigaoQuake, #Surigao.

Bumuhos ang pagpapaabot ng dasal, “be safe/keep safe” na mga mensahe, pangungumusta sa mga kaanak at kaibigan, at pagpo-post ng update kung ano na ang nangyayari sa lungsod na tinamaan ng 6.7 magnitude na lindol dakong alas-10:03 ng gabi ng Biyernes.

May ilang grupo rin na agad naglunsad ng #TabangSurigao upang mangalap ng anumang tulong na maaaring ipadala sa sinalantang lungsod. Ang salitang “tabang” ay Visayan dialect na ibig sabihin ay “tulong o saklolo”. Una itong sumikat sa ‘epic pinsala’ ng supertyphoon Yolanda.

Kahapon ay 6-katao na ang naiulat na nasawi sa lindol at 125 naman ang sugatan. Patuloy ang paggalugad ng mga awtoridad, partikular sa mga gumuhong istruktura upang alamin kung mayroong mga na-trap sa mga guho.

“As of this time, we have six fatalities and (at least) 125 injured,” ani Sr. Supt. Anthony Maghari, ang provincial police chief ng Surigao del Norte.

Hindi pa rin nilulubayan ng maya’t mayang aftershock ang lungsod at kahapon lamang ay mahigit 100 aftershock ang naitala. Continue reading

Mayon volcano nagbuga ng abo: 5 turista patay

Bulkan Mayon - Mayo 2013Pinayuhan kahapon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, Jr. ang mga residente sa palibot ng Mayon Volcano na kumalma matapos maiulat na sumabog ang nasabing bulkan kahapon ng umaga.

Paliwanag ni Solidum, ang pagbuga ng makapal na usok ng bulkan dakong 8:00 ng umaga ay hindi maituturing na pagsabog dahil wala naman umanong umakyat na magma sa crater nito. Aniya, ang makapal na usok ay nag-ugat umano sa mainit na bato na nakulob ang pressure na naging daan upang kumawala ito sa taas na 500 metro mula sa bunganga ng bulkan.

Binigyang diin pa nito na wala umanong naitatalang mga pagyanig sa nakalipas na mga araw kung kaya walang movement sa ilalim ng bulkan. Continue reading