Pinay sinaksak sa dibdib ng asawang Pranses-Arabo

Pinay, patay sa pananaksak ng kanyang asawa na isang dayuhan

Binawian ng buhay ang 30 taong gulang na pinay na si Janice Badr matapos saksakin sa dibdib ng kaniyang asawang Pranses-Arabo sa Maisons-Lafitte, may 18- kilometro ang layo sa Paris.

Ayon sa mga nakasaksi, Biyernes ng umaga lumabas ng garden at nagsisisigaw para humingi ng tulong si Janice habang kasunod ang asawang si Christophe Badr, 34, at sinaksak ang Pilipina sa dibdib.

Matapos ang pananaksak, ay bumalik sa loob ng bahay ang suspek.

Tumawag ng pulisya ang mga kapitbahay pero binawian na ng buhay si Janice.

Iniimbestigahan pa kung ano ang motibo sa krimen.

Dalawang taon nang kasal si Janice Badr sa asawang Pranses-Arabo.

Napag-alaman na tubong Panabo, Davao ang biktima, naulila ni Janice Badr ang 18 buwang anak na babae.

Nananawagan ang mga Pilipino sa Paris na magkaisa at ipagdasal na mabigyan ng katarungan ang sinapit ng kababayan.

 

Orihinal na artikulo sa pahayagan:
http://www.leparisien.fr/info-paris-ile-de-france-oise/yvelines-le-mari-meurtrier-passe-aux-aveux-mais-ne-s-explique-pas-21-09-2019-8157048.php