Pope Francis sa Copacabana Beach

Pope Francis nasa CopacabanaRIO DE JANEIRO (AP) – Ipinakita ni Pope Francis ang kanyang rebel side noong Huwebes, hinimok ang kabataang Katoliko na bulabugin at guluhin ang kanilang mga parokya sa paglabas sa mga lansangan upang ipahayag ang kanilang pananampalataya. Ito ang mensaheng kanyang isinabuhay sa pagbisita sa isa sa pinakabayolenteng slum ng Rio at pagbukas sa World Youth Day ng simbahan sa inuulang Copacabana Beach. Tinaguriang “slum pope“ sa kanyang mga gawa para sa maralita, tumanggap si Francis ng dumadagundong na salubong sa Varginha shantytown, bahagi ng slum area sa hilagang Rio na sa pagiging bayolente ay binasangang Gaza Strip. Tila komportable ang 76-anyos na Argentine, naglakad pa sa gitna ng maraming tao, hinalikan ang mga bata at matatanda at sinabi sa kanilang nasa panig nila ang Simbahang Katoliko. Continue reading

Bibitaying Pinoy drug mule, magsilbing aral

Death Sentence in ChinaMuling nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng Pilipino na iwasang tumanggap ng alok ng mga indibiduwal o grupo para magdala ng ilegal na droga sa kanilang bagahe sa pagbiyahe sa ibang bansa kapalit ng malaking halaga, dahil may mabigat na parusang naghihintay sa mga ito sa kanilang destinasyon.

Ang panawagang ito ng DFA ay bunsod ng nakatakdang pagbitay sa susunod na linggo sa isang Pinay, dahil sa pagpupuslit ng heroin sa China.

Noong 2012, nasentensiyahan ng death penalty without reprieve ang Pinay nang mapatunayang nagkasala sa drug trafficking.

Kasama ng nasabing Pinay ang isa pang Pinoy nang mahulihan ng 12.369 kilo ng heroin sa isang probinsiya malapit sa Shanghai noong Enero 2011.

Sinasabing ang Pinay ay dumating sa Shanghai bilang turista.

Sa ilalim ng batas ng China, ang pagdadala ng 50 gramo ng heroin o anumang narcotic drug ay may katumbas na parusang kamatayan.

Matatandaang Marso 30, 2011 nang pinarusahan ng lethal injection ang tatlong convicted Pinoy na sina Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain.

Katulad na parusa rin ang iginawad ng China laban sa 35anyos na Pinoy noong Disyembre 8, 2011, dahil sa pagpupuslit ng 1.495 kilo ng heroin sa Guangxi.

5 sundalo, binihag ng mga rebeldeng NPA sa Davao del Norte

NPA Rebels MindanaoLimang sundalo na nakasibilyan at hindi umano mga armado ang dinukot at binihag ng New People’s Army (NPA) nitong Lunes sa Davao del Norte.

Nalaman ng mga awtoridad ang nangyaring insidente matapos makatakas at makapag-report ang isang sundalo na kasama ng grupo, ayon kay Senior Superintendent Ronald dela Rosa, director ng Davao City police. Continue reading

Barko lumubog: 2 Patay

ro-roDalawa ang kumpirmadong nasawi, 43 na ang nasagip habang patuloy pang pinaghahanap ang 12 na pasahero makaraang lumubog kahapon ng mada­ling-araw ang isang roll-on, roll-off (RoRo) na barko na pag-aari ng Medallion Transport sa may bisinidad ng Burias Island sa Bayan ng Claveria, Masbate.

“As of 12:45 p.m. today, dalawang bangkay na ang narekober, 43 ang nasagip at 12 pa ang missing,” ani Ensign Ere Mon Duruin, tagapagsalita ng Naval Forces Southern Tagalog.
Unang narekober ang bangkay ni Carlota Zena, 59, residente ng Aroroy, Masbate. Bago magtanghali ay narekober ang bangkay ni Erlinda Julbitado, 59. Continue reading

Sumadsad na Cebu Pacific plane, ipinahihila sa CAAP

cebu-pacific nasa davaoDahil sa matinding abala na idinulot ng pagkakasadsad ng isang eroplano ng Cebu Pacific sa runway ng Davao International Airport noong Linggo, inatasan ng Malacañang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na makialam na sa pag-aalis ng nakabalandrang commercial plane upang maibalik ang normal na operasyon ng paliparan. Continue reading

Mayon volcano nagbuga ng abo: 5 turista patay

Bulkan Mayon - Mayo 2013Pinayuhan kahapon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, Jr. ang mga residente sa palibot ng Mayon Volcano na kumalma matapos maiulat na sumabog ang nasabing bulkan kahapon ng umaga.

Paliwanag ni Solidum, ang pagbuga ng makapal na usok ng bulkan dakong 8:00 ng umaga ay hindi maituturing na pagsabog dahil wala naman umanong umakyat na magma sa crater nito. Aniya, ang makapal na usok ay nag-ugat umano sa mainit na bato na nakulob ang pressure na naging daan upang kumawala ito sa taas na 500 metro mula sa bunganga ng bulkan.

Binigyang diin pa nito na wala umanong naitatalang mga pagyanig sa nakalipas na mga araw kung kaya walang movement sa ilalim ng bulkan. Continue reading

Sa amin ‘yang Sabah – Misuari

Philippines SabahSa lolo ko iyang Sabah!

Ito ang tahasang pahayag ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding  chairman Nur Misuari, na sumusuporta sa hakbang ng mga Kiram ng Sulu para bawiin  ang Sabah mula sa Malaysia. Ayon kay ni  Misuari na nararapat lamang na maibalik sa mga mamamayan ng Sulu ang nasabing  isla dahil ito ay pag-aari ng kanilang mga ninuno.

Sinabi ni Misuari, kung tutuusin ay siya ang pangunahing claimant sa Sabah  dahil una itong pag-aari ng kanyang lolo, na kilalang mandirigma.

Noong 1963, ang Sabah na hitik sa likas na yaman, ay nasa pangangalaga ng mga  British mula sa huling bahagi ng 19th century at kinalaunan ay naging bahagi ng  Federation of Malaysia. Continue reading

230 namatay sa isang sunog sa isang nightclub sa Brazil

Incendio_boate_RSSANTA MARIA, Brazil – Patuloy ang mapping operation na isinasagawa ng mga otoridad sa malaking sunog na nangyari sa Kiss nightclub sa Santa Maria, Brazil na ikinasawi ng higit 230 katao.
Hindi pa rin malinaw ang sanhi ng sunog na sinundan ng stampede matapos mag-panic ang mga tao.
Subalit kinumpirma ngayon ng fire officials na 80 sa mga namatay ay mga estudyante na nagsi-celebrate sa pagtatapos na ng summer season at pagbalik na ng pasok sa mga unibersidad sa Brazil simula ngayong araw.
Ayon kay state fire official Guido de Melo, 2,000 katao ang nasa loob ng nightclub nang masunog, doble sa dapat sanay capacity nito na 1,000 lang.
Continue reading

Ang Katoliko Iglesia ay nawawala ang labanan ng pagpipigil sa pagbubuntis

philippines-condomHuwebes, Enero 17, batas sa nangangasiwa ng access sa pill at ang condom ay sa wakas ampon, pagkatapos ng tatlong taon ng debate.
Sa kabila ng pagsalungat mula sa Iglesia, ang Pilipinas mas madaling access sa pagpipigil sa pagbubuntis. Isang batas sa birth control, kaya-tinatawag na “kalusugan at pagpaparami,” ay pinagtibay sa puntong ito, Huwebes, Enero 17, pagkatapos ng mga taon ng debate. Ito ay nagbibigay ng para sa pagbibigay ng mga condom at mga tabletas sa pampublikong kalusugan sentro, pagsasanay para sa birth control at kahit sex edukasyon sa mga paaralan. Ang layunin: pigilan ang pagtaas sa populasyon ng bansang ito ng mahinang at mabawasan ang maternal pagkakamatay.

Continue reading