Boracay closure

Sa kabila ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isara ang isla ng Boracay ng anim na buwan, nais naman ni Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na mapabilis ito upang mabawasan ang mawawalang kita ng bansa.

Sinabi ni Teo na nais niyang madaliin ang pagsasaayos sa isla kaya naman isinusulong nila ang total closure ng pamosong tourist destination sa buong mundo.

“That’s why I wanted it total closure for us to do it fast. If it’s total closure, no tourist can enter the island so we really have to work fast,” paliwanag ni Teo sa kaniyang panayam sa ANC .

Sinabi ito ng kalihim sa kabila ng tingin ng Department of Interior and Local Government na kukulangin ang anim na buwan upang maisaayos ang isla.

I think it’s doable if the people in Boracay will cooperate with us,” patuloy niya.

Magsisimula ang pagsasara ng isla sa Abril 26.

Tinayang nasa 30,000 katao ang mawawalan ng pagkakakitaan sa pagsasara ng isla kaya naman nakatakdang isailalim sa state of calamity ang Boracay upang magalawa ng nasa P2 bilyon calamity fund.
Nasa P20 bilyon naman ang pinaniniwalaang mawawala sa gobyerno dahil sa pagsasara ng isla kung saan lubos na maaapektuha ang sektor ng turismo.

Tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply