Trump inauguration sinalubong ng protesta sa Pinas

Sinalubong ng protesta ng mga militante rito sa Pilipinas ang inagurasyon kahapon ni President Donald Trump bilang ika-45 na pangulo ng Estados Unidos.

Sa disperas nang panunumpa ni Trump sa tungkulin kahapon, lumusob ang grupong Gabriela sa US Embassy sa Lungsod ng Maynila kung saan binansagan si Trump bilang ‘sexist’ at ‘racist’.

Kasama sa nagprotesta sina Gabriela party-list Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas kung saan hiniling nila na layuan na ng US ang Pilipinas.

Bilang protesta, sabay-sabay na itinapon sa basurahan ang litrato ni Trump upang ipakita sa bagong pangulo ng Estados Unidos ang galit sa kanya ng mga kababaihan.

Ayon naman sa grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), ang pagkakaluklok kay Trump sa panguluhan ay isang ‘bangungot’ at ‘masamang balita’ para sa mga Pinoy dito sa Pilipinas at gayundin sa mga Pinoy sa Amerika.

Samatala, aabot sa 900,000 katao ang dadalo sa inagurasyon ni Trump sa National Mall.

Tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply