3 MILF-BIFF commanders, sangkot sa Fallen 44

44 patayLumutang ngayon ang tatlong pangalan ng mga top commanders mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFFF) na umano’y responsable sa pag-massacre sa 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Ito ay sina Zacaria Goma, Kagi Karialan at Waid Tundok.

Si Goma ay commander ng 105th Base Command ng MILF habang si Karialan ay commander ng BIFFF at si Tundok naman ay ground commander ng MILF 118th Base Command.

Sa pakikipag-ugnayan kay Goma, kanyang sinabi na ipinauubaya na nito sa MILF central comittee ang pagsiyasat kaugnay sa Mamasapano massacre.

Napag-alaman na si Goma ang nag-assume bilang 105th Base Command commander matapos tumiwalag sa grupo ang kanyang superior na si Ameril Umbra Kato.

Sa kabilang dako hindi na rin umano surpresa ang naging involvement ni Karialan sa nasabing insidente dahil nakasagupa nito ang isang grupo ng mga SAF commando na nagsilbing mga blocking force.

Magugunitang hinamon ng ilang senador kasama na si Senate President Franklin Drilon at Sen. Ralph Recto ang pamunuan ng MILF na isuko sa pamahalaan ang mga sangkot pagkamatay ng mga miyembro ng SAF.

Ito rin ang hamon ni Association of General and Flag Officers Inc. (AGFO) President ret. Gen. Edilberto Adan.

“Dapat bawiin ng pamahalaan ang lahat ng mga armas na ninakaw sa mga patay na pulis at isuko ng liderato ng MILF ang mga tauhan nilang nagpakana ng pamamaslang,” ani Adan.

Sinabi ni Adan na hindi sapat ang basta imbestigasyon, mahalaga ring isuko ng MILF sa batas ang nasa likod ng pag-masaker sa mga tauhan nito bilang pagpapakita na sinsero ang separatistang grupo sa isinusulong na kapayapaan ng pamahalaan.

Tagged , , , , . Bookmark the permalink.

4 Responses to 3 MILF-BIFF commanders, sangkot sa Fallen 44

  1. carla sario brabham says:

    thank you for sharing this news from my country i dont have news here from the Philippines i dont have Filipino channel here so its good to hear it even here again salamat………

  2. DarlaLets Zumba says:

    Talaga?????……………

  3. Ann Lorraine M. Sadora says:

    Its that true????????????¿???????????????

Leave a Reply