Kemikal na nagdudulot ng breast cancer, tinukoy

Molecule ChemistryTINUKOY sa isang pag-aaral kung anu-ano ang nagdudulot ng breast cancer sa kababaihan. Sinabi ng US researchers noong Lunes, na araw-araw ay may naglilitawang dahilan sa pagkakaroon ng breast cancer.
Ang peer-reviewed journal na Environment Health Perspectives ay nagbigay ng halos 17 kemikal na dapat iwasan. Ang nasabing pag-aaral ay naglathala rin ng mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng breast cancer. Dito malalaman kung anu-ano ang kemikal na mapanganib sa kababaihan.
Kabilang sa mga tinukoy ang gasoline, diesel, flame retardants, stain-resistant textiles, paint removers at disinfection lalo na sa mga produktong pang-inumin. Nakukuha sa kapaligiran ang mammary carcinogens sa pamamagitan ng benzene at butadiene na nanggagaling sa usok ng mga sasakyan, lawn equipment, tobacco smoke at charred food.
Ilan sa ikinababahala ang paglilinis ng mga solvent tulad ng methylene chloride, pharmaceuticals na ginagamit sa hormone replacement therapy, flame retardants, kemikal sa stain-resistant textiles, non-stick coatings at styrene na nakukuha sa usok ng tabako na ginagamit sa paggawa ng styrofoam, sabi sa pag-aaral. Maaari ring makuha ang tinatawag na carcinogens sa mga inuming tubig.
“The study provides a road map for breast cancer prevention by identifying high-priority chemicals that women are most commonly exposed to and demonstrates how to measure exposure,” sabi ng study author na si Ruthann Rudel, research director ng Silent Spring Institute.
“This information will guide efforts to reduce exposure to chemicals linked to breast cancer, and help researchers study how women are being affected,” dagdag pa niya.

SOLUSYON KONTRA BREAST CANCER

Ang bawat babae ay laging babad sa mga kemikal na nakakapagpataas ng posibilidad sa pagkakaroon ng breast cancer, sabi ng co-author na si Julia Brody.
Ang pag-iwas sa paggamit ng mga kemikal ay nakatutulong upang mailigtas ang kababaihan sa breast cancer. Sa kasamaang palad, ang nag-uugnay sa mga toxic chemical at breast cancer ay noon pa iniiwasan pero hanggang ngayon ay malaki pa rin ang posibilidad sa pagkakaroon ng breast cancer sa kababaihan.
Ayon kay Brody, ang nasabing pag-aaral ang unang sumaklaw ng mga listahan sa potential breast carcinogens at para masukat ito sa pamamagitan ng women’s blood at urine.
Ang pag-aaral ay nagbigay ng pitong paraan para maiwasan ang mga kemikal na nagdudulot ng breast cancer:

  1. Limitahan ang paglanghap sa usok na nanggagaling sa mga sasakyan o generators, at gumamit ng electric lawn mowers, leaf blowers at weed whackers kaysa gas-powered machines.
  2. Gumamit ng ventilation fan habang nagluluto at limitahan ang pagkain ng charred o burned food.
  3. Huwag bumili ng mga kasangkapan na may polyurethane foam o mga kasangkapan na dumaan a flame retardants.
  4. Iwasan ang stain-resistant rugs, furniture at fabrics.
  5. Kung gumagamit ng drycleaner, maghanap ng dry-cleaner na hindi gumagamit ng PERC (perchloroethylene) o iba pang solvents.
  6. Gumamit ng solid carbon block drinking water filter.
  7. Panatilihing walang kemikal sa labas ng pinto gamit ang vacuum na may HEPA (high-effeiciency particulate bair) filter, at linisan gamit ang wet rags at mops.

Tinustusan ng Avon Foundation ang nasabing pag-aaral. Ang Silent Spring Institute ay 20 taon nang organisasyon na kinabibilangan ng scientists na nakatuon sa environment at women’s health.

Tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

5 Responses to Kemikal na nagdudulot ng breast cancer, tinukoy

  1. carla sario says:

    magandang umaga salamat sa pag share ng impormasyon tungkol sa breast cancer na syang pangunahing problema ng mga kababaihan ngayon ay may mahalaga akong nalaman dahil dito sa iyong news sa tagalog muli salamat!……

  2. grazelle says:

    Salamat nito……ilalahad ko to sa class namin…..

  3. Janna Mae says:

    Salamat . Ass. ko

Leave a Reply