2 mall pinasabog : 5 nasugatan sa Davao City

Davao-Mall-bombs-packed-inside-soda-cansLima-katao ang iniulat na nasugatan matapos ang magkasunod na pagsabog sa dalawang sinehan sa dalawa ring pamosong mall sa Davao City, Davao del Sur noong Lunes ng gabi.

Sa ulat ni Davao City PNP director P/Senior Supt. Ronald de la Rosa na naiparating sa Camp Crame, dakong alas-9:05 ng gabi ng maganap ang unang pagsabog sa loob ng Cinema 1 ng pamosong mall sa Ecoland.

Agad namang rumes­ponde ang bomb squad ng Davao City PNP na nagsagawa ng post blast investigation kung saan inatasan ang mga movie goer na bakantehin ang Cinema 1.

Sa inisyal na imbestigasyon, nadiskubre ang bomba na itinamin sa u­puan sa J5 sa 1st row ng orchestra kung saan wala namang nasugatan dahil ang nalalabing 10-movie goers sa sinehan ay nakaupo sa bahagi ng balcony.

Bandang alas-9:25 naman ng gabi ng maitala ang ikalawang pagsabog sa Cinema 5 ng Gaisano Mall sa Bajada, Davao City.

Limang moviegoers ang isinugod sa San Pedro Hospital matapos dumaing ng pananakit ng teynga dahil sa sinasabing nabasag ang eardrum.

Sa pahayag ni de la Rosa, ang bomba ay itinanim naman sa ikaanim na upunan sa 9th row ng Cinema 5 ng Gaisano mall.

Nabatid na ang magkasunod na pagsabog, ayon pa kay de la Rosa ay may distansyang nasa 5-kilometro sa Davao City.

Nagsagawa na ng clearing operations ang bomb squad at walang natagpuan pang bomba sa nasabing mga sinehan na posible pang lumikha ng pinsala.

Tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to 2 mall pinasabog : 5 nasugatan sa Davao City

  1. carla sario says:

    Magandang gabi Pilipnas kong mahal salamat sa news sa tagalog sa ganitong klaseng panahon dapat talagang mag-ingat tayo saan man pumunta hindi lang sa ganyang lugar kundi sa lahat hanggat maari dahil importante talaga ang pag=iingat sa lahat ng oras pero mabuti na lang at walang maraming nasaktan sa pagsabog.

  2. JERWIN MATIMTIM says:

    NAWA`Y ANG MGA GUMAGAWA NG GAWAING
    PAGPATAY ,,AY MAKARAMDAM NG KUNSINSYA

Leave a Reply