24 patay, 217 nawawala sa banggaan ng dalawang barko sa Cebu

MV St. Thomas AquinasUmakyat na sa 24 pasahero ang natagpuang patay, habang bumaba naman sa 217 mula sa 274 ang nawawala kaugnay sa nangyaring banggaan ng dalawang barko sa Talisay, Cebu Biyernes ng gabi.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alas siyete ng umaga ng Sabado, nasa 24 na ang kumpirmadong patay.

Samantala, nagsanib pwersa naman ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) sa paghahanap sa mga nawawalang pasahero ng pampasaherong barko ng 2Go na MV St. Thomas Aquinas.

Ayon sa report ng NDRRMC, naglalayag papuntang Cebu City, galing sa Butuan City, ang pampasaherong nang bumangga ito sa cargo ship na MC Sulpicio Express 7 sa may Lawis Ledge, Talisay City bandang 9:03 p.m. ng Biyernes.

Ayon naman kay Rear Admiral Luis Tuazon, PCG Officer-in-Charge, malaki ang butas sa bandang kanan ng St. Thomas Aquinas, kung saan bumangga ang cargo vessel, na maaaring naging sanhi nang paglubog nito makalipas lamang umano ang sampung minute. Tinataya naman na nasa 33 hanggang 35 metro o 140 talampakan ang lalim ng nilubugan ng barko na kalahating milya naman ang layo sa baybayin.

Ang MV St. Thomas Aquinas ay may sakay na 118 crewmembers at 752 pasahero, kabilang na ang 55 sanggol, habang ang cargo vessel naman ay may 38 crewmembers.

Sinabi naman ng NDRRMC na ang mga na-rescue at sugatang pasahero ay binigyan ng paunang lunas ng mga health workers at lokal na pamahalaan, habang ang administrasyon ng 2Go Shipping Lines ay nagtayo ng passenger assistance center kung saan nagpapamahagi sila ng tulong sa kanilang mga pasahero. Dinala rin umano nila sa hotel ang mga na-rescue na pasahero at ‘ang iba ay dinala sa mga ospital.

Samantala, nagsisimula nang lumabas ang langis sa barko ng St. Thomas Aquinas na pinapangambahang magdudulot ng malaking oil spill sa lugar. Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang PCG at iniimbestigahan na ang kapitan ng naturang barko kung ito ba ang maaaring magiging responsable sa naturang banggaan.

Sinabi naman ni Tuazon na maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard ang mga kamag-anak ng mga pasaherong nadamay kaugnay sa insidente kung nakaligtas ba o hindi ang mga ito. (PTVNews)

Tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to 24 patay, 217 nawawala sa banggaan ng dalawang barko sa Cebu

  1. carla sario says:

    malungkot ako sa mga nangyaring trahedyang ito kasi most of them were my kababayan in Cebu i wish Sulpicio Lines Shipping Company will pay for all the bad things that always happening since i was young because im part of that company maybe half of my life ive spend there sana makarma sila i know what kind of people they are……..salamat sa pag post ng balitang ito maganda.

  2. nakakalungkot dahil marami ang nawalan ng buhay

Leave a Reply