U.S. Embassy bantay-sarado

USEMBASSYHinigpitan ng gobyernong Aquino ang seguridad sa Embahada ng Amerika sa Maynila gayundin sa iba pa nilang tanggapan bunsod ng banta ng terror attack ng al-Qaeda group. Nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas) ay nag-isyu ang White House ng worldwide travel alert at ang pagsasara ng kanilang embahada sa Islamic countries dahil sa pinangangambahan nilang pag-atake ng international terrorist group.

Bunsod ito ng pagpuga ng ilang daang militante sa Iraq, Libya, Pakistan at anim pang bansa na sinasabing konektado sa al-Qaeda.

“We consulted the National Security Adviser and the NSA had advised us that we are already intensifying intelligence gathe­ring and we continue the hardening of targets which are the focus of these alerts such as the US Embassy,” paglalahad ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

Tumanggi naman itong ihayag sa publiko kung anong klaseng security measures ang ipapatupad nila sa mga instalasyon ng Amerika sa bansa.

Dahil sa potential threat na nangyayari sa Arabia­n Peninsula ay tinipon ni US President Barack Obama ang mga matataas na opisyal ng Amerika, ayon sa White House.

Kasama sa mga duma­ting, ayon sa ulat ng mga international news agency, sina Secretary of State John Kerry at Secretary of Defense Chuck Hagel.

Partikular na inatasan ng Washington ang mga embahada nito sa Islamic world habang ang Germany, Britain at France ay nag-utos na isara ang kanilang mga post sa Yemen sa loob ng dalawang araw.

Tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply