Pope Francis sa Copacabana Beach

Pope Francis nasa CopacabanaRIO DE JANEIRO (AP) – Ipinakita ni Pope Francis ang kanyang rebel side noong Huwebes, hinimok ang kabataang Katoliko na bulabugin at guluhin ang kanilang mga parokya sa paglabas sa mga lansangan upang ipahayag ang kanilang pananampalataya. Ito ang mensaheng kanyang isinabuhay sa pagbisita sa isa sa pinakabayolenteng slum ng Rio at pagbukas sa World Youth Day ng simbahan sa inuulang Copacabana Beach. Tinaguriang “slum pope“ sa kanyang mga gawa para sa maralita, tumanggap si Francis ng dumadagundong na salubong sa Varginha shantytown, bahagi ng slum area sa hilagang Rio na sa pagiging bayolente ay binasangang Gaza Strip. Tila komportable ang 76-anyos na Argentine, naglakad pa sa gitna ng maraming tao, hinalikan ang mga bata at matatanda at sinabi sa kanilang nasa panig nila ang Simbahang Katoliko.

“No one can remain insensitive to the inequalities that persist in the world!“ sabi ni Francis sa libu-libong tao na tiniis ang malamig na ulan at tumayo sa maputik na soccer field para siya ay salubungin.

Ang pagbisita sa Varginha ay isa sa mga highlight ng isang linggong biyahe ni Francis sa Brazil, ang kanyang una bilang papa at tila inihabi para sa unang papa mula sa Americas.

Ang sorpresa, gayunman ay dumating, sa kanyang encounter sa Argentine pilgrims na huli na nang itakda, sa isa pang senyales kung paanong niyayanig ng pagiging spontaneous ng papa ang seryoso at kadalasang maseremonyang protocol ng Vatican.

Sinabi niya sa libu-libong kabataan, tinatayang 30,000 ang Argentine na nakarehistro, na lumabas sa mga lansangan at ipalaganap ang kanilang pananampalataya at maging “mess,“ dahil ang simbahan na hindi lumalabas at nangangaral ay nagiging isa na lamang civic o humanitarian group.

“I want to tell you something. What is it that I expect as a consequence of World Youth Day? I want a mess. We knew that in Rio there would be great disorder, but I want trouble in the dioceses!“ wika niya, nagsalita sa Spanish. “I want to see the church get closer to the people. I want to get rid of clericalism, the mundane, this closing ourselves off within ourselves, in our parishes, schools or structures. Because these need to get out!“

At nang tila maalalang masyadong radikal ang kanyang mensahe, nagpaabot na siya ng paunang paumanhin sa mga obispo.

Kinahapunan ng Huwebes, bumiyahe siya sakay ng bukas na open-sided na sasakyan habang bumubuhos ang malakas na ulan sa welcoming ceremony sa Copacabana beach. Ito ang kanyang unang official event kasama ang daan-daang libong kabataang dumagsa sa Rio para sa World Youth Day. Tinaya ng mga opisyal ng Vatican ang mga dumalo na nasa 1 million.

Luminya ang mga naghihiyawang pilgrims mula sa 175 bansa sa beachfront drive para masilayan ang papa. Ilang beses na tumigil ang sasakyan ng papa para mahalikan ni Francis ang mga sanggol -at para masipsip sa straw ang kanyang paboritong traditional Argentine tea na inihahain na may gourd, na iniabot sa kanya ng isang taong nasa masa.

Dahil sa apat na araw na pag ulan, binago ng mga organizer ang festival agenda, inilipat ang Saturday vigil at climactic Sunday Mass sa Copacabana Beach mula sa isang rural area na 50 kilometro ang layo mula sa sentro ng lungsod. Masyado nang maputik ang orihinal na venue sa Guaratiba, at imposible nang magcamping sa lugar.

Sa kanyang mensahe sa mga residente ng Varginha, kinilala ng papa ang pagiging maramdamin ng kabataan sa kawalang katarungan.

“You are often disappointed by facts that speak of corruption on the part of people who put their own interests before the common good,“ sabi ni Francis sa crowd. “To you and all, I repeat: Never yield to discouragement, do not lose trust, do not allow your hope to be extinguished.“

Tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

2 Responses to Pope Francis sa Copacabana Beach

  1. carla sario says:

    gusto ko ang isang balitang ito na galing pa sa ibang bansa sa Brasil ang pagbisita nya sa mga kabataan duon wow! sobrang maraming taong nag sama-sama sa iisang lugar masaya!…..gusto ko ito salamat sa pag share mo.

Leave a Reply