Mataong lugar sa CDO : pinasabugan; 6 patay

Blast sa Cagayan de OroNiyanig ng malakas na pagsabog nitong Biyernes ng gabi ang isang establisimyento sa Limketkai Center sa Cagayan de Oro City na nagresulta sa pagkamatay ng anim katao at pagkakasugat ng may 46 iba pa.

Kabilang sa mga nasawi sa pagsabog sa Kyla’s bar sa Limketkai Center dakong 11:30 p.m, si Roldan Lagbas, provincial board member sa Misamis Oriental.

“Accordingly the bomb, the blast was near him but we cannot say it’s politically motivated because we’ll just speculate,” ayon kay Lt. Col. Leo Bongosia, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Army.

“We still know the motive and the identities of the people behind the explosion of this improvised bomb,” dagdag niya.

Ayon sa imbestigasyon, tatlo katao ang kaagad nasawi sa naganap na pagsabog, habang ang tatlo ay pumanaw habang ginagamot sa ospital.

Sinabi ni Northern Mindanao police head Catalino Rodriguez Jr., na karaniwang matao sa lugar kapag Biyernes para magpahinga.

Sa isang ulat ng dzBB radio, sinasabing kasama sa mga nasugatan si Kinoguitan mayor Junjun Lagbas.

“Nasa full alert status kami mula kagabi…ang buong Region 10 full alert status natin, para ma-seal ang buong Region 10, ayon kay Region 10 (Northern Mindanao) police head Chief Superintendent Catalino Rodriguez Jr.

Idinagdag ni Rodriguez na wala silang natanggap na intelligence information tungkol sa gagawing pagpapasabog.

Sa ngayon, isang special task group na ang binuo para magsiyasat sa insidente..

Tagged , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Mataong lugar sa CDO : pinasabugan; 6 patay

  1. carla sario says:

    sobrang nakakatakot minsan pumunta sa ibat-ibang lugar pero kailangan lang ng pag-iingat minsan hindi natin alam ang mga aksidenteng mangyayari….salamat sa balitang tagalog ive seen this on t.v.already…

Leave a Reply