Bibitaying Pinoy drug mule, magsilbing aral

Death Sentence in ChinaMuling nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng Pilipino na iwasang tumanggap ng alok ng mga indibiduwal o grupo para magdala ng ilegal na droga sa kanilang bagahe sa pagbiyahe sa ibang bansa kapalit ng malaking halaga, dahil may mabigat na parusang naghihintay sa mga ito sa kanilang destinasyon.

Ang panawagang ito ng DFA ay bunsod ng nakatakdang pagbitay sa susunod na linggo sa isang Pinay, dahil sa pagpupuslit ng heroin sa China.

Noong 2012, nasentensiyahan ng death penalty without reprieve ang Pinay nang mapatunayang nagkasala sa drug trafficking.

Kasama ng nasabing Pinay ang isa pang Pinoy nang mahulihan ng 12.369 kilo ng heroin sa isang probinsiya malapit sa Shanghai noong Enero 2011.

Sinasabing ang Pinay ay dumating sa Shanghai bilang turista.

Sa ilalim ng batas ng China, ang pagdadala ng 50 gramo ng heroin o anumang narcotic drug ay may katumbas na parusang kamatayan.

Matatandaang Marso 30, 2011 nang pinarusahan ng lethal injection ang tatlong convicted Pinoy na sina Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain.

Katulad na parusa rin ang iginawad ng China laban sa 35anyos na Pinoy noong Disyembre 8, 2011, dahil sa pagpupuslit ng 1.495 kilo ng heroin sa Guangxi.

Tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply