5 sundalo, binihag ng mga rebeldeng NPA sa Davao del Norte

NPA Rebels MindanaoLimang sundalo na nakasibilyan at hindi umano mga armado ang dinukot at binihag ng New People’s Army (NPA) nitong Lunes sa Davao del Norte.

Nalaman ng mga awtoridad ang nangyaring insidente matapos makatakas at makapag-report ang isang sundalo na kasama ng grupo, ayon kay Senior Superintendent Ronald dela Rosa, director ng Davao City police.

Sinabing patungo ang mga sundalo sa Panabo City mula sa Barangay Mapula sa Davao City “for admin purposes” nang mangyari ang pagbihag ng mga rebeldeng komunista.

Ang anim na sundalo ay sakay umano ng dalawang motorsiklo nang tutukan ng baril ng mga rebelde na magmamando sa isang barikada.

Nagawa umanong makatakas ng ika-anim na sundalo sa pamamagitan ng pagtalon mula sa motorsiklo at nagpatihulog sa bangin.

Hindi pinangalanan ni Dela Rosa ang mga nabihag na sundalo pero miyembro umano ang mga ito ng 60th Infantry Battalion ng Army’s 10th Infantry Division.

Ayon naman kay Capt. Raul Villegas, 10ID deputy public affairs officer, walang dalang armas ang mga sundalo nang tangayin ng mga rebelde.

“(The) troops were in civilian attire without any firearm because they were going to the market to procure food supplies and coordinate with an NGO [non-government organization] for the scheduled feeding program for the benefit of the community,” pahayag nito.

Sinabi ni Dela Rosa na ang mga rebelde ay pinangungunahan ng isang Ryan Pitao, na nasa ilalim umano ng pamumuno ni Leoncio Pitao alias Kumander Paragu.

Idinagdag nito na nakasuot ng military camouflage uniform ang mga rebelde para linlangin umano ang mga tao.

Tagged , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply