Barko lumubog: 2 Patay

ro-roDalawa ang kumpirmadong nasawi, 43 na ang nasagip habang patuloy pang pinaghahanap ang 12 na pasahero makaraang lumubog kahapon ng mada­ling-araw ang isang roll-on, roll-off (RoRo) na barko na pag-aari ng Medallion Transport sa may bisinidad ng Burias Island sa Bayan ng Claveria, Masbate.

“As of 12:45 p.m. today, dalawang bangkay na ang narekober, 43 ang nasagip at 12 pa ang missing,” ani Ensign Ere Mon Duruin, tagapagsalita ng Naval Forces Southern Tagalog.
Unang narekober ang bangkay ni Carlota Zena, 59, residente ng Aroroy, Masbate. Bago magtanghali ay narekober ang bangkay ni Erlinda Julbitado, 59.

Sa mga nasagip, 31 ang pasahero at 12 ang crew.

Patuloy ang paggalugad ng mga search-and-rescue teams ng Navy, Coast Guard at Air Force para mahanap ang mga nawawala pa.
Nag-deploy na rin ng Navy ng isang Islander plane at mga helicopter naman mula sa Air Force.
Base sa nakuhang impormasyon mula kay Ba­yani Benisario, deputy commander ng Philippine Coast Guard (PCG)-Masbate, naganap ang insidente dakong alas-singko ng madaling-araw nang lumubog ang M/V Our Lady of Mount Carmel sa pamumuno ni Captain Mateo Gregorio sa karagatang sakop ng Burias island sa bayan ng Claveria galing sa pantalan ng Pio Duran sa Albay patungo sana ng Aroroy, Masbate.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PCG-Masbate na galing ng Pilar port ang nasabing Ro-Ro vessel na may lulang 22 crew at 35 pasahero at da­lawang bus ng Isarog Lines at isang 6-wheeler truck ang nasabing Ro-Ro vessel na may kargang 5 toneladang oxygen tanks.
Nawalan umano ng balanse ang barko at tuma­gilid matapos kumalas ang kadena ng isang bus na sanhi ng paglubog.

Tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply