Sumadsad na Cebu Pacific plane, ipinahihila sa CAAP

cebu-pacific nasa davaoDahil sa matinding abala na idinulot ng pagkakasadsad ng isang eroplano ng Cebu Pacific sa runway ng Davao International Airport noong Linggo, inatasan ng Malacañang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na makialam na sa pag-aalis ng nakabalandrang commercial plane upang maibalik ang normal na operasyon ng paliparan.

DoTC (Department of Transportation and Communications) Secretary Jun Abaya has given instructions to CAAP that if the timetable to remove the airplane is not acceptable, then CAAP has to take over the clearing,“ sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

May 165 pasahero ang Cebu Pacific plane nang ito ay sumadsad sa runway sa gitna ng malakas na ulan. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente bagamat ito ang naging ugat ng pagkakaantala ng mahigit sa 40 commercial flight sa Davao airport.

Inulan din ng batikos ang pamunuan ng Cebu Pacific matapos hindi agad umano naaksiyunan ang mga pangangailangan ng mga pasahero, kabilang ang mga nakasakay sa sumadsad na eroplano.

Tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply