230 namatay sa isang sunog sa isang nightclub sa Brazil

Incendio_boate_RSSANTA MARIA, Brazil – Patuloy ang mapping operation na isinasagawa ng mga otoridad sa malaking sunog na nangyari sa Kiss nightclub sa Santa Maria, Brazil na ikinasawi ng higit 230 katao.
Hindi pa rin malinaw ang sanhi ng sunog na sinundan ng stampede matapos mag-panic ang mga tao.
Subalit kinumpirma ngayon ng fire officials na 80 sa mga namatay ay mga estudyante na nagsi-celebrate sa pagtatapos na ng summer season at pagbalik na ng pasok sa mga unibersidad sa Brazil simula ngayong araw.
Ayon kay state fire official Guido de Melo, 2,000 katao ang nasa loob ng nightclub nang masunog, doble sa dapat sanay capacity nito na 1,000 lang.
Noong Agosto pa raw nag-expire ang lisensiya ng Kiss nightclub at hindi na-renew.
Nagkakaroon ng pyrotechniques show sa club nang sumiklab ang apoy pero hindi pa matiyak kung ito ang sanhi ng sunog.
Sinabi ng mambabatas na si Valderci Oliveira na mistulang war zone ang pinangyarihan ng insidente kung saan nagkalat ang mga bangkay marami raw ay nasa bathroom ng club.
Sa pagsisiyasat, iisa lang ang exit door ng club at napagkamalan ng mga tao ang pinto ng comfort room na exit door.
Bumagsak ang bubong ng club sanhi upang marami ang na-trap at pinigil din ng security guards ang mga tao nang magpulasan.
Inakala raw kasi ng guwardiya na nagkaroon ng gulo kaya’t para maiwasang makaalis ang mga tao na hindi nagbabayad ng bills, isinara ang exit ng club.
Dahil sa pangyayari ay nalagay na naman sa spotlight ang seguridad sa Brazil na nakatakdang mag-host ng World Cup sa susunod na taon at ng 2016 Olympic Games.
Sakaling ang pyrotechnique ang sanhi ng sunog, mapapabilang na rin ito sa mga malaking sunog na naitala sa kasaysayan na ang sanhi ay paputok kagaya ng Rhode Island fire noong 2003 kung saan gumamit ng pyrotechniques ang bandang Great White nang mag-perform sa nighctlub sanhi ng sunog na ikinasawi ng 100 katao.
Pyrotechniques din ang dahilan ng sunog sa nightclub sa Argentina na ikinamatay ng 194 katao noong 2004 at pagsabog sa Russia noong 2009 na ikinasawi ng 100 katao. (CNN)

Tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply