Kemikal na nagdudulot ng breast cancer, tinukoy

Molecule ChemistryTINUKOY sa isang pag-aaral kung anu-ano ang nagdudulot ng breast cancer sa kababaihan. Sinabi ng US researchers noong Lunes, na araw-araw ay may naglilitawang dahilan sa pagkakaroon ng breast cancer.
Ang peer-reviewed journal na Environment Health Perspectives ay nagbigay ng halos 17 kemikal na dapat iwasan. Ang nasabing pag-aaral ay naglathala rin ng mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng breast cancer. Dito malalaman kung anu-ano ang kemikal na mapanganib sa kababaihan.
Kabilang sa mga tinukoy ang gasoline, diesel, flame retardants, stain-resistant textiles, paint removers at disinfection lalo na sa mga produktong pang-inumin. Nakukuha sa kapaligiran ang mammary carcinogens sa pamamagitan ng benzene at butadiene na nanggagaling sa usok ng mga sasakyan, lawn equipment, tobacco smoke at charred food.
Ilan sa ikinababahala ang paglilinis ng mga solvent tulad ng methylene chloride, pharmaceuticals na ginagamit sa hormone replacement therapy, flame retardants, kemikal sa stain-resistant textiles, non-stick coatings at styrene na nakukuha sa usok ng tabako na ginagamit sa paggawa ng styrofoam, sabi sa pag-aaral. Maaari ring makuha ang tinatawag na carcinogens sa mga inuming tubig.
“The study provides a road map for breast cancer prevention by identifying high-priority chemicals that women are most commonly exposed to and demonstrates how to measure exposure,” sabi ng study author na si Ruthann Rudel, research director ng Silent Spring Institute.
“This information will guide efforts to reduce exposure to chemicals linked to breast cancer, and help researchers study how women are being affected,” dagdag pa niya. Continue reading

Zamboanga mayor, 3 pa utas sa NAIA ambush

NAIA-3-shootingMANILA, Philippines – Nakalusot sa dalawang ambushed attempt pero sa ikatlong pagkakataon ay napatay ng mga hindi kilalang kalalakihan si Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa, asawa nito, pamangkin at isang 18-buwang paslit matapos silang pagbabarilin sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA-T3), kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, kalalapag lamang sa NAIA 3 dakong 11:15 ng umaga ni Mayor Talumpa kasama ang misis na si Lea at pamangkin na si Salipuddin Talumpa, 25, galing Zamboanga del Sur sakay ng Cebu Pacific Airlines flight 5J – 852. Continue reading

2 mall pinasabog : 5 nasugatan sa Davao City

Davao-Mall-bombs-packed-inside-soda-cansLima-katao ang iniulat na nasugatan matapos ang magkasunod na pagsabog sa dalawang sinehan sa dalawa ring pamosong mall sa Davao City, Davao del Sur noong Lunes ng gabi.

Sa ulat ni Davao City PNP director P/Senior Supt. Ronald de la Rosa na naiparating sa Camp Crame, dakong alas-9:05 ng gabi ng maganap ang unang pagsabog sa loob ng Cinema 1 ng pamosong mall sa Ecoland.

Agad namang rumes­ponde ang bomb squad ng Davao City PNP na nagsagawa ng post blast investigation kung saan inatasan ang mga movie goer na bakantehin ang Cinema 1. Continue reading

24 patay, 217 nawawala sa banggaan ng dalawang barko sa Cebu

MV St. Thomas AquinasUmakyat na sa 24 pasahero ang natagpuang patay, habang bumaba naman sa 217 mula sa 274 ang nawawala kaugnay sa nangyaring banggaan ng dalawang barko sa Talisay, Cebu Biyernes ng gabi.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alas siyete ng umaga ng Sabado, nasa 24 na ang kumpirmadong patay.

Samantala, nagsanib pwersa naman ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) sa paghahanap sa mga nawawalang pasahero ng pampasaherong barko ng 2Go na MV St. Thomas Aquinas. Continue reading

U.S. Embassy bantay-sarado

USEMBASSYHinigpitan ng gobyernong Aquino ang seguridad sa Embahada ng Amerika sa Maynila gayundin sa iba pa nilang tanggapan bunsod ng banta ng terror attack ng al-Qaeda group. Nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas) ay nag-isyu ang White House ng worldwide travel alert at ang pagsasara ng kanilang embahada sa Islamic countries dahil sa pinangangambahan nilang pag-atake ng international terrorist group.

Bunsod ito ng pagpuga ng ilang daang militante sa Iraq, Libya, Pakistan at anim pang bansa na sinasabing konektado sa al-Qaeda. Continue reading

Mataong lugar sa CDO : pinasabugan; 6 patay

Blast sa Cagayan de OroNiyanig ng malakas na pagsabog nitong Biyernes ng gabi ang isang establisimyento sa Limketkai Center sa Cagayan de Oro City na nagresulta sa pagkamatay ng anim katao at pagkakasugat ng may 46 iba pa.

Kabilang sa mga nasawi sa pagsabog sa Kyla’s bar sa Limketkai Center dakong 11:30 p.m, si Roldan Lagbas, provincial board member sa Misamis Oriental.

“Accordingly the bomb, the blast was near him but we cannot say it’s politically motivated because we’ll just speculate,” ayon kay Lt. Col. Leo Bongosia, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Army.

“We still know the motive and the identities of the people behind the explosion of this improvised bomb,” dagdag niya.

Ayon sa imbestigasyon, tatlo katao ang kaagad nasawi sa naganap na pagsabog, habang ang tatlo ay pumanaw habang ginagamot sa ospital. Continue reading

Pope Francis sa Copacabana Beach

Pope Francis nasa CopacabanaRIO DE JANEIRO (AP) – Ipinakita ni Pope Francis ang kanyang rebel side noong Huwebes, hinimok ang kabataang Katoliko na bulabugin at guluhin ang kanilang mga parokya sa paglabas sa mga lansangan upang ipahayag ang kanilang pananampalataya. Ito ang mensaheng kanyang isinabuhay sa pagbisita sa isa sa pinakabayolenteng slum ng Rio at pagbukas sa World Youth Day ng simbahan sa inuulang Copacabana Beach. Tinaguriang “slum pope“ sa kanyang mga gawa para sa maralita, tumanggap si Francis ng dumadagundong na salubong sa Varginha shantytown, bahagi ng slum area sa hilagang Rio na sa pagiging bayolente ay binasangang Gaza Strip. Tila komportable ang 76-anyos na Argentine, naglakad pa sa gitna ng maraming tao, hinalikan ang mga bata at matatanda at sinabi sa kanilang nasa panig nila ang Simbahang Katoliko. Continue reading

Bibitaying Pinoy drug mule, magsilbing aral

Death Sentence in ChinaMuling nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng Pilipino na iwasang tumanggap ng alok ng mga indibiduwal o grupo para magdala ng ilegal na droga sa kanilang bagahe sa pagbiyahe sa ibang bansa kapalit ng malaking halaga, dahil may mabigat na parusang naghihintay sa mga ito sa kanilang destinasyon.

Ang panawagang ito ng DFA ay bunsod ng nakatakdang pagbitay sa susunod na linggo sa isang Pinay, dahil sa pagpupuslit ng heroin sa China.

Noong 2012, nasentensiyahan ng death penalty without reprieve ang Pinay nang mapatunayang nagkasala sa drug trafficking.

Kasama ng nasabing Pinay ang isa pang Pinoy nang mahulihan ng 12.369 kilo ng heroin sa isang probinsiya malapit sa Shanghai noong Enero 2011.

Sinasabing ang Pinay ay dumating sa Shanghai bilang turista.

Sa ilalim ng batas ng China, ang pagdadala ng 50 gramo ng heroin o anumang narcotic drug ay may katumbas na parusang kamatayan.

Matatandaang Marso 30, 2011 nang pinarusahan ng lethal injection ang tatlong convicted Pinoy na sina Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain.

Katulad na parusa rin ang iginawad ng China laban sa 35anyos na Pinoy noong Disyembre 8, 2011, dahil sa pagpupuslit ng 1.495 kilo ng heroin sa Guangxi.

5 sundalo, binihag ng mga rebeldeng NPA sa Davao del Norte

NPA Rebels MindanaoLimang sundalo na nakasibilyan at hindi umano mga armado ang dinukot at binihag ng New People’s Army (NPA) nitong Lunes sa Davao del Norte.

Nalaman ng mga awtoridad ang nangyaring insidente matapos makatakas at makapag-report ang isang sundalo na kasama ng grupo, ayon kay Senior Superintendent Ronald dela Rosa, director ng Davao City police. Continue reading